
Ang Boto Mo ay Salamin ng Paniniwala Mo sa Pera at sa Buhay
On the day my article titled The Way You Vote Reflects Your Money and Other Beliefs came out, I received a few requests to have a Tagalog version of it in order to reach more readers. One of the requests is from our dear Fr. Bert Ampil, S.J., of the Ateneo de Manila:
Dear Rose,
God’s Peace and Blessings. (3 rose icons added). What a gem of a voter profiling job you’ve done! Sana maisalin ito sa vernacular at mabasa at mapag-isipan ng media at botante! Who knows? There might also be some worthy candidates who could use it as part of their last two minutes Push and Hurrah! Thank you again, dear Rose, for what you do for F (Family) Q too! Me, I just turned 91 (image of old man), and still having fun at PUSH (Parents Union of School and Home) and PReP (Parent Relations and Programs)!
God loves you. Best big hugs for Marvin and the boys!
Fr. Bert So, in answer to Fr. Bert and the others who requested for it, here it is, sana makahabol pa! Pakitulungan na rin ako—paki-share sa mga botante at kandidato. Maraming Salamat!
****************
Ang Boto Mo ay Salamin ng Paniniwala Mo sa Pera at sa Buhay
Sa May 12, 2025, muli na namang boboto ang mga Pilipino para sa senador, kongresista, gobernador, board member, mayor, vice-mayor, at mga konsehal. Hindi kasing init at toxic ang kampanya ngayong midterm elections gaya ng sa nakaraang presidential elections, kaya magandang pagkakataon ito para mag-isip-isip tayong lahat: Paano nga ba ako bumoboto?
Ang pagboboto natin ay hindi lang basta tungkol sa pulitika. Hindi lamang ito isang karapatan at tungkulin bilang mabuting mamamayan. Ipinapakita rin nito kung ano ang pananaw natin sa pera, sa buhay, at sa kinabukasan. Ipinapakita nito kung paano tayo mag-isip sa mga bagay tulad ng oportunidad, responsibilidad, at hustisya. Sa madaling salita, ang balota mo ay repleksyon ng pagkatao mo—kung paano ka magdesisyon pagdating sa pera at sa iba pang mahahalagang bagay sa buhay. Tara, tingnan natin ang iba’t ibang estilo ng pagboto—at kung anong mindset ang ipinapakita ng bawat isa.
1. Kung binoboto mo yong kandidatong nagbibigay ng pera o mabilisang ayuda:
Ang paniniwala mo ay KAKULANGAN/KAKAPUSAN (Scarcity Mindset)
Pakiramdam mo ay laging kulang, kaya kahit konti, basta meron ngayon, kunin na. Nagiging biktima ka ng vote-buying at iba pang mabilisang lunas. Hindi mo naiisip ang pangmatagalang solusyon. Kadalasan, ito na rin ay dahil sa sobrang hirap ng buhay. Mahirap isipin ang pangmatagalang lunas kung wala kang lunas sa pangkasalukuyan.

2. Kung binoboto mo yong kandidatong may plano para sa edukasyon, trabaho, at ayusin ang sistema:
Ang paniniwala mo ay KASAGANAAN (Abundance Mindset)
Naniniwala kang pwedeng gumanda ang buhay kung may tamang plano, oportunidad at matinong pamamalakad. Pinipili mong mamuhunan sa tamang programa, maghintay ng kasaganaan para sa nakararami. Ang iyong pananaw ay pangmatagalan o long-term.

3. Kung ang basehan ng boto mo ay ang personal na makukuha sa kandidato:
Ang paniniwala mo ay NAKAKAANGAT KA (Entitlement Mindset)
Sa madaling salita, “feelingero/feelingera” ka laging may espesyal na pribilehiyo. Pakiramdaman mo ay mas may karapatan ka kaysa sa ibang tao, angat ka sa batas. Para sa iyo, parang transaksyon ang boto—may kapalit—pera, pabor, o espesyal na trato. Ito rin yong maling paggamit natin ng utang na loob. Sa buhay, baka sanay kang umasa sa tulong ng iba, sa short-cut, kaysa gumawa ng sariling sikap.

4. Kung binoboto mo yong may integridad, marunong, at maayos humawak ng pera:
Ang paniniwala mo ay RESPONSABLENG PANGANGALAGA (Stewardship Mindset)
Para sa iyo, ang pamumuno at pera ay mga yaman at pribilehiyong dapat pangasiwaan ng may pag-iingat, transparency, at may pangmatagalang pananaw. May malasakit ka hindi lamang para sa sarili mong henerasyon kundi pati na rin sa mga susunod.

5. Kung binoboto mo yong tipong “sigang tagapagligtas” na mag-aayos ng lahat para sa iyo:
Ikaw ay may MENTALIDAD NG BIKTIMA (Victimhood Mindset) Pakiramdam mo wala kang kapangyarihang baguhin ang sarili mong sitwasyon, kaya umaasa ka sa mga nagpapanggap na malakas na lider para iligtas ka. Haay…nakikita natin ito sa buong mundo—ang pagluklok sa mga siga at mapang-abusong lider, sa paniniwalang sila ang makakaayos ng mga problema kahit na hindi laging ayon sa batas ang pamamaraan. Sa personal na pananalapi, lagi kang may sinisisi sa mga problema mo sa pera. Kung minsan, nabubudol ka rin ng mga scammer kasi lagi kang naghahanap ng mabilisan kahit na mapanganib na solusyon sa problema mo.

6. Kung hindi ka bumoboto:
Ang pananaw mo ay WALANG MALASAKIT/WALANG PAG-ASA/WALANG PAKIALAM (Apathy and Hopelessness Mindset)
Iniisip mong wala namang magbabago kahit bumoto ka dahil sirang-sira na ang sistema. Kung nakaka-angat ka sa buhay, hindi ka na makikialam hanggat okay pa ang pamilya mo. Kung kapos ka naman sa pera, hindi ka na nagba-budget, nag-iipon, at invest dahil ang paniniwala mo ay wala rin namang mangyayari.

Panawagan sa mga Pilipinong Botante:
Huwag nating sayangin ang karapatan at katungkulang bumoto. Sa isang bansa kung saan nananatili ang hindi pantay-pantay na oportunidad, ito ang pagkakataon kung saan pantay-pantay ang halaga ng boto ng lahat—anumang antas mo sa lipunan. Gamitin natin ito ng husto.
Kung patuloy tayong boboto ayon sa kakulangan, takot, maling paggamit ng utang na loob, paniniwalang biktima, o kawalan ng pakialam, mananatili tayong nakakulong sa walang katapusang kahirapan, katiwalian, at sayang na oportunidad. Kaya tara na, kumilos na tayo ngayong halalan, tigilan na ang pagboto sa mga kengkoy na hindi naman nakakatawa! Ituring ang iyong boto na isang sagradong pamumuhunan (investment) para sa lahat. Sa pagpili ng mga kandidatong iboboto mo, sagutin mo ang mga sumusunod:
1. Bumoboto ba ako dahil sa takot o dahil may pag-asa pa?
2. Pinipili ko ba ang panandaliang benepisyo kaysa sa pangmatagalang pag-unlad?
3. Ang iboboto ko ba ay tumutugma sa klase ng kinabukasan na gusto ko
para sa sarili ko, pamilya ko, at bayan?
Sana’y magsilbing isang checklist at gabay ang mga ito para sa iyong pagpili. Paki-share mo na rin ito sa pamilya, kaibigan, mga mahal sa buhay, at iba pang taong kaya mong kumbinsihin para mas marami ang bumoto nang may pananaw sa kasaganaan, responsibilidad, at pag-asa.
Tandaan mo: Kung paano ka bumoto ay tunay ngang salamin ng iyong pagkatao! Sana’y magkaroon tayo ng isang malinis, tapat, at matinong resulta ng darating na halalan! Mabuhay ang Pilipinas!
ANNOUNCEMENTS:
1. Please use your right and privilege to vote wisely. If you want to look for your precinct, click here.
2. If you want to see your list of candidates, click here.
3. Do you know where you are now in your FQ Journey? Take the FQ Test, click here.

4. Get your copy of the FQ books to start your FQ Journey now. Click here.

This article is also published in Philstar.com
Attribution: Images from Toonpool, Alamy, Getty Image, Freepik and Morkimus